Isang pagsusuri sa akdang  PAKPAK ni Jose Corazon de Jesus


        Ang tulang pakpak ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus. Natatandaang si Jose o madalas tawagin sa kanyang sagisag panulat na “Huseng Batute”, ay sinasabing nagmana umano sa korona’t setro ng pinsel at papel ni Francisco Baltazar. Sinasabing ding taglay ng kanyang mga tula ang masaganang daloy ng luha  at damdaming mga paglalarawan . kaya naman hindi mapagkakaila na siya ay tinaguriang makata ng Puso”.

      Ang tulang ito ay patungkol sa pakpak ng bawat isa na hindi nakikita o palihim. Hindi man ito patungkol sa literal na pakpak na kaya tayong dalhin hanggang sa  pinakamataas na  bundok subalit ito ay naglalaman ng mga magaganda at matalinghagang salita na siyag nag-uudyok sa atin para liparin at abutin ang ating mgamatatayog na  pangarap. Dahil sa pakpak na ito ay patuloy parin ang pangarap kahit pa man sa kabila ng lahat ng mga pagsubok at hamon ng ating buhay. Kahit pa man sa mga pamimintas ng ating buhay, kailangan ay patuloy pa rin tayong lumipad hanggang sa maabot natin ang ating pinaka asam asam na tagumpay.

             Sabi nga sa tula na ang lahat ng bagay ay may lihim na pakpak na siyang nag aakyat sa  ating layunin. Ang pakpak na siyang nagudyok sa atin para gumawa tayo ng gintong mithiin. Ang mithiing sanay isang araw ay maabot natin ang bituin ng tagumpay. Kaya naman kung maari’y bigyan sana ng pakpak itong ating diwa na kaya nating harapin ang dilim ng hangin.

          Bilang isang kasapi ng ating lipunan, kailangan naing ipakita ang liwanag ng kasiglahan ng ating diwa upang makita din nila ang lipad ng kanilang mga pangarap. Ang estado ng buhay natin sa mundong ito ay hindi isang dahilan upang humito tayo sa pag-abot ng minimithing tagumpay. Mahirap man o mayaman, parehong may pag-asang isang araw ay makakatungtong din ako sa tugatog ng kasiyahan na dulot ng inaasam-asam na tagumpay ngbuhay. Kayat bilang isang tao at estudyante, kailangan kong ibukadkad ang aking pakpak upang kaya kong abutin ang aking mithiin at harapin kung ano man ang mga problemang darating.

              Syempre sa lahat ng bagay, mayroong gabay. Sa daan, sa simbahan, paaralan at kahit saan paman. Ito ay kailangan upang tayo ay malinawagan  sa lahat ng bagay na ating kailaganng malaman. At bilang isang nilalang sa mundong ito, isa lang ang kaya tayong gabayana. Sino sya? Walang iba kundi ang Dakilang Panginoon na nasa Langit. Siya ay palaging nandiyan upang tayo ay samahan sa lahat ng bagay.

"Huwag tumigil sa pag abot ng pangarap sa paraang pinakamabuti at hayaang ang iyong pakpak ng iyong diwa ang siyang humila paitaas tungo sa iyong tagumpay."

Comments

Post a Comment